Monday 27 February 2017

"Edukasyon: Susi ng Tagumpay"

ni: Rona Jean M. Diaz

Maraming kabataan ngayon ang tinatamad ng mag-aral, may iilan naman nahinto dahil sa kahirapan at pinili na lang magtrabaho para may makain. Isa ito sa problemang kinakaharap ng ating bansa. Dumarami ang out-of-school youth sa mga lugar na hindi na abot ng tulong ng pamahalaan.

Isa ka ba sa mga kabataan na iyon? Kung oo, isapuso ang bawat mababasa mo sa tekstong ito. Edukasyon ang susi sa tagumpay mo sa buhay, kung mananatili ka lamang sa sitwasyon mo ngayon walang uusbong na pagbabago sa ating bansa. Nahinto ka man sa pag-aaral, maraming ahensya ang gobyerno na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tulad mo na makapag-aral ulit.

Edukasyon ang tanging sandata mo para magtagumpay sa buhay. Hindi ka matatapakan at yuyurakan ng iba dahil alam mo sa sarili mo na may pinag-aralan ka at ginagamit mo ito sa tama. Alalahanin mo na pagnakatapos ka magiging masaya ang mga magulang mo. Mabibigay mo sa kanila ang gusto mo at mapapasyal mo sila sa magagandang lugar.

Pagnatapos mo ang kursong iyong kinuha magiging madali sa iyo na makahanap ng trabaho. Makakaipon ka at mabili ang gusto mo. Makakapaglaan ka ng pera para sa pagbuo mo ng sarili mong pamilya. Isang paalala sa iyo ang naging karanasan mo noong bata ka pa, mas mabuting makapagtapos ng pag-aaral ang magiging anak mo.

O ano? Nagising ko ba ang diwa mo? Mag-aral ka ulit kapwa ko kabataan, hindi pa huli ang lahat. Magsikap ka at may tutulong sayo upang matupad mo ang iyong mga pangarap sa buhay. Bangon kabataan, bangon para sa kinabukasan ng ating bayan.

Saturday 25 February 2017

Pangangantsyaw

                              Ang pangangantsyaw o bullying ay ang karaniwang ginagawa ng mga kabataan sa
       kapanahonan natin ngayun at karaniwan itong nangyayari sa paaralan.Maraming paraan ang pangangantsyaw, maaaring sa salita,gawa,o kayay sasocial media. Nakakadulot ito ng matinding depresyon sa isang tao dahil mas magiging  malungkutin,madalas mapag-isa,di nakakatulog ng maayos at di makakain ng maayos dahil dito maaaring isa sa kadahilan kung bakit mag papakatiwakal ang isang tao. 

                           Noong Septembre 6,2013 ipinatupad ni Presidente Benigno Aquino III ang RA 10627
o Anti-Bullying law sa mga paaralan mula elementarya hanggang secondarya dito sa Pilipinas ang problema nga lang ay di ito mahigpit na ipinatutupad. Kailangang mas higpitan na ito ng gobyerno maging sa mga paaralan upang mahinto at maibsan o mabawasan ang bilang ng mga taong nag papakatiwakal.

                                                                                                                    Ni: Dave Jhon Relativo

Thursday 23 February 2017

Ang Makabagong Teknolohiya

Tayo ay nasa makabagong hinerasyon na maraming makabagong imbensiyon.Hindi maaaring itigil ang patuloy na pagbabago sa buhay,dahil ang pagbabago na ito ay nagbibigay ng maayos at makabagong  imbensyon. Isa sa makbagong imbensiyon ay ang technolohiya. Napapaoob dito ang Internet, ang internet ay gumaganap na libangan, Kumonikasyon, at impormasyon!.  Ito ay talagang kahanga-hangang  pagbabago na naimbento lalong lao nasa pangangailangan ng dagdag na kaalaman.


Malaking bahagi ang teknolohiya upang maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga naimbentong teknolohiya simula pa noong mga nakalipasna taon.naging magandang imbensyon ay ang makinalya na nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napabilis at epektibo ang pagbuo ng mga basahin.

Ito ay isang malaking tulong para sa ikaka-unlad ng edukasyon dahil sapamamagitan ng internet, maaari mong madaling gawin ang ilang mga pananaliksik nang walang anumang mgagatos. Nakakatulong  iyo na gumawa  ng malakas na pag-iisip dahil  maraming impormasyon na maaaring maibigay sa iyo.

Halimbawa nalang ang imbensyong nagawa saa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang simpleng makinarya o prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum upang magaral. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga litrato upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang internet na mapagkukunan ng mga impormasyon.

Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad sa aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.